Wednesday, March 11, 2015
Ang kaligayahan at ang adobong paa ng manok.
Noong unang panahon...
Hindi, joke lang po. Hindi ko na talaga matandaan kung kelan to nangyari. Basta ilegal kaming nagluto ni “R” (wag na magtanong, sya nga yun.) ng adobong paa ng manok. (Wag mo na ring itanong kung bakit ilegal. Pero wag ka mag alala, hindi naman dahil buhay pa yung mga manok nung niluto namin.Syeeeeeeeeeeeeeete ang korni kooooooo)
Mahilig sya kumain ng maanghang, ako,well hindi naman ako nagse self-bath ng pawis pero mas okay lang talaga sakin ng walang anghang ang pagkain. Pero ayon na nga ang nangyari, laga pa lang, nilagyan nya nang pagkarami raming sili yung pagkain. Pagtikim ko para akong nakasinding posporong tinapon sa sumisingaw na shellane (solane?) Nag demand ako ng pagbabago. Binawasan namin yung tubig. Tapos nilaga uli. Nilagyan ko ng asin (okay, maraming asin) para mabawasan ng onti yung anghang.
Hindi kami nakuntento. Pareho.Dagdag bawas hanggang matapos ang dish. Gusto nya ng sobrang lambot, ako naman gusto ko yung mejo malambot lang (minus two levels of tenderness siguro) . Ang ending? Maalat at sobrang anghang na durog durog na paa at sisihan at katahimikan sa huli.
Wag kang mag isip ng ganyan. Hindi naman ganun kaseryoso ang isyu ( isyuuuuu!!!) dun. Nag enjoy naman kami. Pero naisip ko din na kung nag adjust kami sa gusto ng isa’t isa, limas siguro yung mga pinggan namin. Nagka signature dish sana kami at nakuha namin yung gusto naming maachieve. Naisip ko ang mga samahan dapat punong puno ng adjustment. Kung hindi yung isa ang pwede mag give way, pwede naman mag adjust kahit konti. Yung onti na yan isasalba ang dalawang tao sa pagiging talo. Yung konti na yan, pwedeng parehas kayo magiging masaya.
O ha! Paa ng manok at tropa ng mga sili ang nagturo sakin nyan!
Narealize ko din na pagpasok mo sa kahit anong uri ng relationship ( ayoko ng salitang relasyon, me nakakapangilabot na epekto) , dapat handa kang hindi na 100% ng gusto mo ang makukuha mo. Magbibigay ka na. Magbabawas ka na ng konti. Pero ganun din sya. Hindi nya na magagawa 100% ng gusto nyang gawin. Magbibigay na sya.
Bale sa huli, pupunuin nyo yung nabawas sa isa’t isa at dadagdagan ng higit higit pa. Mas masarap pa yan sa adobong paa o lechon. Mas masarap pa sa kahit anong pagkain. Kasi libre yan.
Kaligayahan ang tawag dyan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment